Sunday, May 14, 2006

Summer Vacation 2006

Killjoy talaga si Caloy!

Bakit naman dumating pa s'ya eh summer na summer. Ayon di ko tuloy, namin pala, na enjoy summer outing ko sa Boracay. Buti na lang kahit bitin, na extend pa rin. Hindi dahil gusto namin ma extend kundi dahil stranded kami. Doon kami inabutan ni Caloy sa pagbisita nya.

Malakas talaga instinct ko. Pag di ko feel ang trip meron talaga di maganda. Dahil barko kami pa uwi di na ako tumuloy kasi di ko type ma ulit 'yong dati. Ano 'yong dati? Dinuduyan lang naman kami ng mga waves na kasing taas ng barko. Kahit sanay ako sumakay ng bapor natakot talaga ako noong tumagilid yong barko while nagbre breakfast kami at laglag lahat halos ng mga goblets sa table. Sus, sabi ko di na ito mauulit.

Kaya kahit return trip namin eh barko (kasi nagtitipid) di na talaga ako sumabay sa ibang mga kasama who braved the risk to be able to get home. Buti na lang. I was having second thought pa naman na sumama when they were about to leave in the middle of the night going to the jettyport. Grabe pala ang biyahe nila from the island to Caticlan that evening. Medyo masama pa kasi ang panahon. Umalis ng umuulan. Sinundo sila ng ferry, di naman makalapit sa beach dahil sasadsad. Pagdating sa kabilang side, kailangan nila sumakay sa barge na may kargang bato to be able to pass from the ferry to the beach.

Pagdating naman sa jettyport, kailangan naman nila maghintay hanggang umaga dahil wala pang bapor. Sus, grabe talaga na kalbaryo nila.

Luckily, I decided not to go that evening and instead opted to ride a plane. Ok naman biyahe namin. Thanks God!

0 Comments:

Post a Comment

<< Home